Tuesday, May 17, 2011

Patience really means something

                                            H'wag ka maghintay, Para hindi ka mainip

    Madaming tao ang katulad ko, hindi sanay na maghintay. Madali mainip. Sabi nila, ito daw ang ugali ng mg taong bata pa lang binibigay na ang gusto. Siguro nga tama ang nagsabi nun. Habang lumalaki ako, nakasanayan ko ngpinagbibigyan ako ng magulang ko gawin ang gusto talagang gawin. Hindi naman nila ako pinilit sa kahit anung bagay.Lagi naman sila naka-supporta sa akin. Nag-varsity ako wala ako narinig pinagbigyan nila ako lalo na ng Daddy kosinusundo ako noon kahit alas-10 na ng gabi at sa pagod minsan hindi na ako nakakapag-aral pero pinilit ko, pero dumatingsa panahon na mas pinili ko ang edukasyon. Madalas sumasali ako sa kung anu-ano extra- curricular activity ng school,hindi naman ako nabibigo supportado pa rin ako, camping man o vigil, Quezon man o Bicol ang puntahan ko nandyan sila palagi. Sa laruan naman, mabait ako noong bata ako, ung mas mura madalas ang pinipili ko. May mga bagay na hindi ko naman kailangan magsalita pa, kusa na lang binibigay sa akin. Ganun ako lumaki. Hindi ko na kailangan maghintay ng sobrang tagal para makuha yung gusto ko, siguro kasi nga naiintindihan ko naman kung kailan meron at kailan yung wala (: Ganun nga siguro yun dahil sa hindi ko nakasanayan kaya minsan nahihirapan ako yung naghihintay at naiinip na lang pero hindi rin naman ako ung taong sumusuko lang.

    Sabi nila masakit ang maghintay, lalo na kung hindi ka sigurado kung may hinihintay ka ba talaga o wala.Totoo naman ito, nasubukan ko ng maghintay talagang masakit at nakakasubok talaga ng paniniwala at kumpiyansa mo sa tao o sa bagay na hinihintay mo na dumating sa buhay mo. Parang naghihintay ka na ikaw mismo makatapos ng kursong gusto mo sipag tyaga talaga ang kailangan. Kahit nga sa simpleng pagpapakulo ng tubig eh, kailangan mo maghintay maginit yung tubig mo gawin yung kape, sa una napapaso ka sa pagsalin sa tunig sa baso mo o hindi kaya akala mo mainit na yung tubig kaya pinatay mo na ung apoy pero hindi pa pala sapat yung init para sayo magtitiis ka na lang o maghihintay ka muli kumulo ang tubig. Ganun nga marahil ang buhay, lagi ka maghihintay sa mga bagay bagay na mangyayari.Minsan sa sobrang inip sumusuko na lang tayo at nagpapatuloy sa buhay o tinatapos na ang buhay at nawawalan ng pag-asa. Minsan naman sa sobrang inip may mga bagay tayo nagagawa na maaari natin pagsisihan sa huli.

    Sa paghihintay lagi ka may inaasam. May hinihintay ka panahon na dumating at habang papalapit ito mas nasasabik ka, pero minsan kailangan natin tanggapin na kahit anong tagal natin sa paghihintay minsan hindi talaga dumadating sa panahon ang ating inaasahan.

    May mga taong umaalis sa ating buhay, nangngako at nagiiwan ng pag-asang babalik sila, pero nasa kanila yun kung tutuparin nila yung sinabi nilang babalik sila at nasa sayo rin ang decision kung hanggang kailan ka aasa at maghihintay. Kung ikaw naman ay naniniwalang babalik sya sa panahong tama na ang lahat, wag ka maghintay.

    Huwag mo sya antayin para hindi ka mainip. Minsan kasi sa sobra natin paghihintay sa tao na bumalik nakakalimutan na natin mamuhay para sa sarili natin, para sa mga taong nasa tabi pa rin natin hanggang sa ngayon. Binubuo na natin ang mundo natin sa pagbabalik ng tao o mga tao na iyon. Lagi ka na lang may inaasa minsan nawawalan ka na ng pag-asa sa sobrang inip na dadating pa sya. Kaya h'wag ka na lang maghintay at umasa na babalik sya, pano kung buong buhay mo umasa ka na babalik pa sya pero pinili nyang huwag na lang magbalik? Edi sa huli ikaw ang talo. Kasi umasa ka, naghintay ka..baka malaman mo na lang ang lahat kapag huli na ang lahat. Doon mo sasabihin sayang ang panahon ang ginugol mo sa paghihintay sa isang taong hindi na pala babalik. Sa huli ikaw rin ang nasaktan.

    Mas makakabuti na magpatuloy ka sa buhay na walang iniintindi. Pagpatuloy mo ang buhay mo. Sabi nga mamuhay ka para sa sarili mo sa kasalukuyan hindi sa nakaraan at hindi sa hinharap kungdi sa kasalukuyan.Kung dumating man ang panahon kung sakali man piliin nung taong hinihintay mo na bumalik, mapalad ka. Ipagpatuloy mo ang buhay mo. Hindi naman tumigil ang pagdaloy ng buhay eh. Habang hindi ka naghihintay, hindi ka na-asa hindi ka maiinip nagagawa at nagawa mo ang gusto mo gawin ng walang pumipigil sayo kaya kanyang sa pagbabalik nya buong galak ka sasalubong sa kanya (:

    *** Naniniwala ako sa sinabi ng Daddy ko noon, "Love, walang tama o mali decision. Ano man ang piliin mo panindigan mo, harapin mo. Ang meron lang ay ang mas makakabuti sayo at mabuti para sayo. Ngayon nasa sayo kung ano ang pipiliin mo.***

No comments:

Post a Comment